Friday, August 21, 2009



"BULAKLAK NA BATBAT NG BIKIG"
ni: Iris Joy B.Barrientos

"Anumang ganda ng panlabas na kaanyuan, may buktot pa ring naninirahan."


Sa isang tabi may kakatwang halaman,
Na parang andap sa sobrang kagandahan;
Sa tabi ng dahon may namumulaklak,
Na parang kuliglig na humahalakhak.

Kay ganda, kay saya kung iyong titingnan;
Randam mo ang tunay na kapayapaan;
Sandaling mapapawi ang iyong lumbay,
Na nakapagpapagaan ng iyong buhay.

Ngunit mangyaring ' di mo inaasahan,
Sa likod nito'y may naninirahan,
Batbat ng mga bikig ang bawat tangkay,
Na nakapagpapabalik ng 'yong lumbay.

Tila 'sang sagwil sa 'king patutugpaan;
Ako'y nanghinayang sa 'yong kagandahan,
At nagtitika sa linsil na pagpuri,
Sa isang halaman na nangungulatding.




1 comment:

  1. "BULAKLAK NA BATBAT NG BIKIG"
    ni: Iris Joy B.Barrientos

    "Anumang ganda ng panlabas na kaanyuan, may buktot pa ring naninirahan."


    Sa isang tabi may kakatwang halaman,
    Na parang andap sa sobrang kagandahan;
    Sa tabi ng dahon may namumulaklak,
    Na parang kuliglig na humahalakhak.

    Kay ganda, kay saya kung iyong titingnan;
    Randam mo ang tunay na kapayapaan;
    Sandaling mapapawi ang iyong lumbay,
    Na nakapagpapagaan ng iyong buhay.

    Ngunit mangyaring ' di mo inaasahan,
    Sa likod nito'y may naninirahan,
    Batbat ng mga bikig ang bawat tangkay,
    Na nakapagpapabalik ng 'yong lumbay.

    Tila 'sang sagwil sa 'king patutugpaan;
    Ako'y nanghinayang sa 'yong kagandahan,
    At nagtitika sa linsil na pagpuri,
    Sa isang halaman na nangungulatding.

    IS IT RIGHT? ^^ Am I clever?! and in English:

    "Flowers THAT THE replete BIKIG"
    by: Iris Joy B. Barrientos

    "Any beautiful external form, may evil still lives."


    Aside may kakatwang plants,
    Like flicker in beauty too;
    Beside leaves with flowering,
    Like cricket that mirthful.

    Kay ganda, with joy if you look;
    Randam the real peace;
    Once mapapawi your grief,
    Nakapagpapagaan to your life.

    But please not to expect,
    Behind nito'y populated,
    Instinct of bikig each stem,
    Nakapagpapabalik that the 'yong loneliness.

    Seemed 'big setback to the' king patutugpaan;
    I nanghinayang at 'yong beauty,
    And nagtitika in linsil to praise,
    A plant that nangungulatding.

    ^^ Maybe translation has a lot troubles ㅠㅠ

    ReplyDelete